Mga Post

PINAKAMAGALING NA MAGING MABUTI “Minsan sa kagustuhan nating maging magaling nakakalimutan nating maging mabuti.”  Ito ang linyang tumimo sa aking kaisipan buhat sa pelikulang aking napanuod. Ang mga tao ngayon ay nagkukumahog, nagmamadali kung paano  sila magiging pinaka magaling sa kung anong larangan man ang kanilang pinasok, gagawin ang lahat matamo lamang ang ganitong estado. Kesehodang mawalan sila ng oras sa kanilang mga mahal sa buhay na nagiging dahilan kung minsan kung bakit napapabayaan ng mga magulang ang kanilang mga anak; at isa sa posibleng epekto nito ay ang pagkalihis ng landas ng mga anak. Nandiyan na hindi maipasa-pasa ng mga anak ang kanilang mga grado sa kanilang eskwelahan o kaya naman ay nalululong na pala ito sa masamang bisyo hindi pa nila napapansin sapagkat abala sila kung paano ang maging magaling sa ibang bagay. Minsan sa pagnanais na maging PINAKAMAGALING, nakapokus lang tayo sa ating sarili, lagi nating iniintindi kung paano natin ma...